Dakilain man nila

Dominic Gutoman
Sep 23, 2021

--

Babaklasin mula sa ibaba
ang mga dibuho Nilang yari
sa marmol, sa tabla,
at anumang bato
na pinampukol, pinanggapo
sa bumbunan ng Anakpawis.

Sa kumukulong dugo
ay magtatampisaw
ang kanilang mga biyas,
at ang mukha nilang
nakapostura’t ngiti sa paskilan
ay liliparin; sisigwada.

--

--

Dominic Gutoman
Dominic Gutoman

Written by Dominic Gutoman

Covers human rights, environment, grassroots initiatives, and accountability mechanisms at bulatlat.com.

No responses yet