Pag-apak sa Aplaya

Dominic Gutoman
Sep 23, 2021

--

May musika sa dagundong ng masa
sa awitin nating bumibingi
ng mga oportunista, paulit-ulit
ay aalulong sa mga lansangan.

Mga kamao ay pataog
kasama ng mga bandila
na bibigo sa tugatog
ng pasismo.

Sa pag-arok ng rurok nito,
wala nang puwang
ang pupuadlot sa
pag-apak natin sa aplaya.

Napawi na ang huyong,
hapo, at pinsala. Ang
mga tanikalang pumipiit
sa atin ay tuluyang kakalag.

--

--

Dominic Gutoman
Dominic Gutoman

Written by Dominic Gutoman

Covers human rights, environment, grassroots initiatives, and accountability mechanisms at bulatlat.com.

No responses yet